Wednesday na. Maaga kaming gumising nila mama dahil ngayon ang kasal ng aking pinsan. Hindi na ako naligo dahil naligo naman ako kahapon ng hapon at mahirap patuyuin ang buhok ko. Nag half bath na lamang ako. Pagkatapos ay nag almusal muna kami nila mama, lola, kapatid ko, pinsan ko pati mga tito ko. Pagkatapos ay naligo muna sila mama sabay hinintay namin ang mag aayos saamin. Habang nag aantay ay inayos ko muna ang mga susuotin namin. Nung dumating na ang make-up artist ay inuna nyang ayusan ang kapatid ko, sumunod ako, yung pinsan ko at huli ay si mama. Pagkatapos namin ayusan ay nagbihis kaagad kami nila mama. Grabeng ganda ng mama ko nung araw na yon. Nag picture picture muna kami sa bahay habangn tinatawag ang sasakyan na sasakayan namin. Pagkatapos ay bumyahe na kami papuntang simbahan. Medyo umaambon ng konti nung araw na iyon, ngunit ayos lang parra hindi masyadong mainit. Pagkadating namin sa simbahan ay nandoon na at nakapila na ang mga abay. Nag aayos din ang mga organizer. Paglipas ng ilang minuto ay nagsimula na ang seremonya ng kasal. Pagkatapos ng seremonya ay nag misa na ang pari. Pagkataposm noon ay nag picture picture muna kami sa simbahan. Pagkatapos noon ay pumunta na kaming reception sa isang hot spring resort doon sa bayan namin. Pagkadating namin doon ay partner partner kaming pumasok sa reception. Sobrang saya ko nung nakita ko ang pinsan ko at asawa niyang magkasamang pumasok. Nung ayos na ang lahat ay kumain na kaming lahat, medyo madami din ang nakain ko doon kasi nagutom talaga ako. Pagkatapos kumain ay nag bigay ng mensahe si mama para sa mga dumalo at sa bagong kasal, pagkatapos ni mama ay may nagbigay din ng mensahe sa side ng asawa ng pinsan ko. Pagkatapos noon ay tinawag lahat ng mga single na dalaga para sa flower catching noon. Nung naglaro kami ay may twist na binigay ang organizer, ang huling maka salo ng bulaklak ay syang bibigyan ng bulaklak ng bride. Sinadya kong saluhin kaagad yon kasi nahihiya ako. Pagkatapos naman ay nagsayaw ang bagong kasal at dinidikitan sila ng pera sa damit habang suasayaw. Habang sumasayaw sila, nagpicture picture muna kami ng mga pinsan ko sa side ng resort. Pagkatapos ng program ay nag aya ang mga pinsan ko na mag swimming. Tinatamad ako nung oras na yon kaya tumanggi ako sakanila at inaya sila mama na umuwi na. Pagkauwi namin ay naghilamos muna ako, kumain at pagkatapos ay natulog na.
Lesson Learned: Matutong makahalu-bilo sa mga tao at Huwag laging tinatamad
#LessonLearned101
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento