Journal 1


        Lunes ng umaga, nagising ako ng 5:00 A.M. dahil may pasok na naman. Nag open muna ako ng facebook ko para tignan kung may importanteng mensahe ba saakin. Pagkatapos at bumangon nadin ako at nadatnan ko ang inihain ng aking tatay na almusal. Kumain ako kasabay ng aking bunsong kapatid at si mama. Pagkatapos kumain ay pina-una ko muna ang kapatid ko maligo bago ako. Pagkatapos niya ay binihisan siya ni mama saka ako naligo. Pagkatapos kong maligo ay umakyat ako sa taas upang magbihis. Pagkatapos magbihis ay nag-ayos muna ako ng aking sarili at naghanda dahil ako ay magrereport sa Phil. Pol mamaya. Pagkatapos mag ayos ng sarili at mga dadalhin ay bumaba na ako at nag ayos ng packed lunch ko, sabay nagpaalam kay mama at umalis ng bahay. Pagtapos umalis ng bahay, bumyahe na ako papasok sa school at saktong 6:30 A.M. ay nakarating na ako sa aming silid-aralan. Tahimik lang ang aking mga kaklase noong dumating ako kaya naisipan kong ireview ang aking irereport mamaya. Maya-maya pa ay tinawag na kami upang umattend ng flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony ay umakyat na kami at nagsimula na ang klase namin sa Gen. Math ni Ms. Arena. Nagdiscuss lang si ma'am ng bagong lesson non hanggang sa matapos ang oras noong asignaturang iyon. Pagkatapos din ng unang klase namin ay bumaba na kami sa Science Laboratory upang umattend naman sa klase ni Sir Eldy sa Earth and Life Science. Nagpasulat lamang si sir ng lectures and nag announce ng mga activities sa gaganaping Science Day. Bago matapos ang oras namin sa asignaturang iyon ay nagpa pirma muna ako ng excuse letter dahil aabsent ako ng apat na araw. Pagkatapos ng klase namin kay sir onas ay umakyat na kaming lahat sa aming silid aralan. Noong mga oras na iyon ay kabadong kabado ako sapagkat oras na ng aming pag rereport, nung oras na iyon ay pinipilit kong ikalma ang sarili ko dahil ako ang nakatoka sa una at pangalawang topic ng aming report. Habang nagaayos kami ng mga gagamitin para sa reporting inutusan ko si ednalaga na tawagin na si Ms. Charm. Maya maya pa nung dumating na si Ednalaga sabi nya wala daw si ma'am. Dahil doon tuwang tuwa ang mga kaklase ko dahil wala kaming gagawin panay naman ang asar saakin ni jl dahil alam nyang aalis ako at hindi na pwedeng magreport kapag wala si ma'am. Kaya naman naalala kong nagpaalam pala ako kay Ms. Charm na aalis ako kaya naman nag baka sakali akong pagreportin nya padin ako, chinat ko noon si ma'am at di ng ako nagkamali, pinayagan nya ako magreport kahit wala sya. Pinakuha nya ang hdmi sa ict lab at inayos ang gagamitin sa reportings. Nagulat ang mga kaklase ko nung sinabi kong magrereport ako. Wala nang pumalag nung sabihin ko yon at nag ayos sila ng upo at tumigil kaka cellphone. Nung nagsimula na ako ng discusion lahat ay nakikinig at nagtetake down notes. Natuwa ako nung nagrereport ako dahil lahat ay nakikinig at halatang lahat ay interesado dahil may mga tinatanong sila tungkol sa report namin na sinasagot naman namin agad. Nagtatawag din ako ng mga nakikita kong nagiingay para tumigil sila. Nag overtime ako ng 15 minutes kaya naman ay panay reklamo ang narinig ko sa mga kaklase ko dahil gutom na sila kaya naman tinapos ko na ang report ko saka sila pinag recess. Pagkatapos ng Recess ay hindi na pumasok ang ibang teacher, si ma'am Arena na lamang ang pumasok at nagdiscuss sa komunikasyon. At nag practice muna sila ng cheerdance sa PE para bukas. Bago ako umalis nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko at kay ma'am na uuwi na dahil babyahe kami pauwi ng Bicol at susunduin ko ang kapatid ko. Umalis na ako sa school at pumuntang school ng kapatid ko. Pinagpaalam ko muna ang kapatid ko sa teacher nya at pagkatapos noon ay nag uwian na kami. Pagkadating ko sa bahay ay dali dali kong inayos ang mga damit na dadalahin ko. Saka kami kumain nila mama. Bandang 6:30 A.M. ay umalis na kami sa bahay at naka alis ng laguna ng 8:00 P.M. ng gabi. 

Lesson Learned: Huwag na mag cellphone kapag kakagising pa lang. at Asikasuhin ang mga gagawin upang di magahol sa oras.
#LessonLearned101 

Mga Komento