Journal 2



       Martes ng umaga, nasa byahe padin kami pauwi ng Bicol. Nag paalam ako kahapon sa mga teacher ko na aabsent muna ako. Ilang oras din ang nagdaan bago kami makarating sa bayan namin. Bandang 8:30 A.M. na nung nakarating kami sa bahayn ng lola ko. Sinalubong kami ni lola at mga tito ko. Doon ko lang napagtanto na may pasok nga pala at wala ang mga pinsan ko kaya naman kumain muna ako sabay natulog. Kumain muna ako sabay natulog. Hapon na noong nagising ako. Kumain muna ulit ako at pumunta kami ng kapatid ko sa bahay ng pinsan kong ikakasal para kuhanin ang mga damit na gagamitin para bukas. Noong paaliss na kami ng bahay, naisipan naming magpahatid na lang. Sakto naman na walang ginagawa ang pinsan ko kaya nagpahatid na kami sakanya para mabilis na din. Pagkadating namin doon ay sinalubong kaagad kami ng lolo at lola ko sa side ni papa pati na din ang mga tito at tita ko pati ang mga pinsan ko na hindi pumasok. Naabutan namin doong nagkakatay ng baboy, nagluluto ng pagkain at naghahanda ng mga gagamitin bukas. Nagpalipas kami doon ng oras at kumain. Maya't maya pa ay nag aya ang pinsan kong pumunta sa bayan. Hinintay mua namin syang maligo at pagkatapos ay umalis na kami. Pagkapunta namin sa bayan ay dumeretso muna kami sa parlor, sinamahan muna namin siya doon at hinintay. Pagkatapos doon sa parlor ay bumili naman kami ng iba pang gagamitin nya bukas. Pagkatapos noon ay pinakain nilibre nya muna kami ng pagkain bago umuwi. Habang kumakain ako ay biglang tumawag ang organizer ng kasal kay ate, sabi ay mayroon daw rehearsal kaya naman di muna kami umuwi at tinawagan ang iba pang abay para makasama sa rehearsal. Pag punta namin sa simbahan ay may misa pa, kaya naman nag stay muna kami don at nag hintay matapos ang misa. Nung nasa kalagitnaan na ng misa nag aya ang kapatid kong kumain muna, kaya naman nagpaalam muna kami kala tita na kakain muna. Nung nakaalis na kami sa simbahan, naisipan kong bumili ng barbeque  doon sa kakilala naming bilihan. Pagkatapos namin kumain doon ay bumalik na kami sa simbahan. Pagdating namin sa simbahan ay patapos na ang misa. Pagkatapos ng misa ay sabi ng organizer hindi daw tuloy ang rehearsal dahil gabi na, kaya naman umuwi na lang kami. Gabi na nung pag uwi namin. Pagdating namin sa bahay ng pinsan ko ay kumain muna ulit ako. Dumating naman noon sila mama para sunduin kami, kaya naman pagkatapos ko kumain ay umuwi na kami sa bahay nila lola. Nung nakarating na kami sa bahay nila lola ay lumabas ulit ako ng bahay para icheck ang fb ko pagkatapos noon ay pumasok na ako sa bahay saka nagpahinga para makapag handa bukas.

Lesson Learned: Huwag aalis sa simbahan kapag nagmimisa at Kontrolin ang pagkain ng madami
                            #LessonLearned101


Mga Komento