Journal 4



   
              Thursday ng umaga ay late na akong nagising. Pagkabangon ko ay nag almusal na din kaagad ako. Pagkatapos kumain ay maliligo sana ako kaso walang tubig sa baranggay, naisipan ko sanang magpatulong kaso nahiya ako kaya ako na lang nag igib ng tubig na panligo ko. Nung nag igib ako, tinulungan ko muna sila mama maglaba dahil wala na akong extrang damit dahil akala ko ngyon ako babyahe pabalik ng Laguna kaso hindi ako pinayagan ng magulang  ko dahil wala akong kasama. Pagkatapos maglaba ay naligo na ako deretso. Pagkatapos maligo ay nagbihis kaagad ako at  nagpatuyo ng buhok. Pagkatapos ay inutusan ako ni mama at si ate na pumuntang bayan, kaya nag motor na lang kami para masaya. Pagkauwi namin ay naghain na ang mga tito ko ng pagkain saka kami kumain sabay sabay. Pagkatapos namin kumain ay ako ang naghugas ng mga pinagkainan, tinulungan ako ng lola ko maghugas dahil nagtalo kami ng kapatid ko dahi siya ang nakatoka sa paghuhugas ng pinggann ngayon, kaya naman nainis na ako sakanya noon. Pagkatapos magligpit ng mga pinagkainan ay naisipan kong tumambay muna sa cottage kaya naman pumunta ako doon ng may dalang libro, at doon ako nagpahangin at nagbasa. Pagkatapos ko doon ay umuwi muna ako sa bahay ni lola para matulog. Pagkagising ko ay naisipan kong tawagan si eulla para magtanong kung anong mga icocomply ko. Nagkwentuhan muna kami bago ko ibaba ang teepono at sinabi sakanyang hindi ako makaka attend ng acquaintance bukas, Pagkatapos namin mag usap ay na realize ko na andami ko palang gagawin. Pagkatapos noon ay naglakad lakad muna ako sa tabing dagat dahil hindi na masyadong mainit. Pagkatapos noon ay umuwi na ako at kumain na ng hapunan. Pagkatapos kumain ay lumabas muna ako ng bahay at doon naabutan ang mga pinsan kong nagcecellphone kaya naman naki sali na din ako dahil walang signal sa loob ng bahay. Nung nasa labas kami ay tinawag ako bigla ng pinsan kong galing abroad , binigyan nya ako ng magarang bag at pabango. Birthday gift nya na daw saakin iyon. Tuwag tuwa ako dahil don. Pagkatapos ay tinawagan ko si dj para sabihin na di ako makaka attend ng acquaintance bukas. Pagkatapos ay pumasok na ako sa bahay para matulog.

Lesson Learned: Huwag matigs ang ulo
                           #LessonLearned101

Mga Komento