Yes! Biyernes na! Birthday ko na bukas pero parang hindi ako masaya. Si mama kasi ang aga aga ng sermon dahil late na naman ako nagising, pero kasalanan ko naman talaga. Kaya naman pala wala siya sa mood dahil naglilinis siya ng bahay dahil mamaya ay may dadating na bisita. Dahil hindi naging maganda ang gising ko, binagalan ko lalo ang kilos ko, kaya lalong nainis saakin si mama. Kahit mabagal ako kumilos ng araw na yon ay tumulong padin ako sa pag linis. Hanggang sa di ko na namalayan na tanghali na pala, di na din ako nakapag almusal kaya gutom na gutom ako noon kaya naman kumain ako ng madami. Pagkatapos kumain ay tumambay muna kami sa bilyaan ng tito ko saka doon naglaro. Nanalo naman kami kaso may talo padin kaya pinanlibre ko ang panalo sa mga pinsan ko kaya ubos din pera. Pagkatapos maglaro ay maya't mayang nandyan na ang bisita ni mama kasama si papa. Hinandaan muna nila lola sila ng pagkain. At dahi hindi pa ako naliligo naisipan kong maligo na kaso inaya ako ng bisita namin maligo kaso tinatamad ako at aalis kami kaya hindi na ako nagpa pilit. Pagkatapos noon a naligo na ako. Pagkatapos naman ay nagbihis na din kaagad ako. Inaya ko ang pinsan kong mag gala sa bayan ngayon kasama ang kapatid ko, pmayag naman sila. Kaya nagpaalam na ako kay mama ska kami umalis. Nung nasa bayan na kami ay pumunta kami sa isang chapel doon at humalik sa santo. Pagkatapos ay dumaan muna kaming plaza at pumuntang subdivision doon at naglakad lakad. Pagkatapos namin doon ay hinatid namin ang kapatid ko sa nga kaibigan nya dito nung dito pa kami nag aaral. Kaya naman kami na lang ang magkasama ng pinsan ko, nakakatuwa dahil kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay naaalala padin nila ako. Pumunta kami ng pinsan ko sa lomihan dito saamin, pagkatapos mag order ng pinsan ko ay nakita kami ng kaklase nya at tinatanong kung mag jowa daw ba kami, kaya pagkatapos noon ay tawa lang kami ng tawa ng pinsan ko. Pagkatapos naman noon ay inaya ko sya sa bilihan ng barbeque. Pagkadating namin doon ay umorder ako ng madaming barbeque at isaw. Nung naka bayad na ako, biglang ayaw na daw kumain ng pinsan ko. Kaya naman inaya ko na lang sya na tumambay sa plaza at doon kumain ng kumain. Pagkatapos ay tinawag na namin ang kapatid ko para umuwi na bandang 8:30 na nung umuwi kami pero hindi naman kami napagalitan. Pagkatapos noon ay tumambay muna ako sa labas at tumawag sakin si dj. Natutuwa ako dahil binati na kaagad ako ng mga kaklase kong lalaki kahit kinabukasan pa birthday ko. At isa pang di inaasahang mensahe ang natangga ko nung araw na iyon. Pagkatapos noon ay nag video-ok muna kami sa may cottage sabay pumasok na sa bahay at natulog.
Lesson Learned: Huwang inisin ang nanay at Gumising ng maaga
#LessonLearned101
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento